Image
Mga Proteksyon Para sa Konsyumer sa Panahon ng Sakuna
Sa San Jose Water, nakatuon kami na magbigay ng suporta sa aming mga konsyumer kapag nakakaranas ng sakuna - ang pagkawala ng isang bahay, negosyo o pag-aari dahil sa isang sakuna na idineklara ng estado o pamahalaang pederal. Kung nabiktima ka sa sitwasyong ito, maaari kaming tumulong sa mga sumusunod na mga paraan:
- Kanselahin ang mga bayarin kung nasira ang iyong bahay o kung ito ay hindi na maaayos pa.
- Awtomatikong isara ang mga account mula sa mga bahay na nawasak at kanselahin ang iyong huling bayarin.
- Magbigay ng karagdagang kredit para sa mga konsyumer na ang mga tahanan ay hindi nawasak, ngunit nasira o hindi matitirhan; at / o iprorate ang iyong buwanang singil sa serbisyo.
- Magbigay ng kredit bill kung kailangan mong lumikas (upang ma-dokumento ang oras na malayo sa bahay) at / o i-prorate ang iyong buwanang singil sa serbisyo.
- Kanselahin ang anumang mga kinakailangan na deposito para sa mga residente at maliliit na negosyo na naghahangad na maitaguyod muli ang serbisyo sa isang taon.
- Mapabilis ang mga kahilingan sa pagsisimula / pagtatapos ng serbisyo.
- Suspendihin ang pagtanggal ng koneksyon dahil sa di-pagbabayad at mga kaugnay na bayarin (mga deposito).
- Suspendihin ang mga aktibidad sa pagkokolekta para sa hindi pagbabayad.
- Pagtigil ng anumang tinatantyang paggamit para sa pagsingil na nauugnay sa oras kung ang iyong bahay ay hindi matirhan dahil sa isang sakuna.
- Mag-alok ng pinalawig na mga pagpipilian na plano ng pagbabayad.
- Makipagtulungan sa iyo upang malutas ang mga hindi bayad na bayarin at mabawasan ang mga pagputol ng konekson dahil sa hindi pagbabayad.
- Pagkensela ng mga kinakailangang deposito ng konsyumer sa loob ng isang taon.
- Pagkensela ng mga kinakailangang bayarin upang ayusin ang pasilidad at sa pagkonekta muli.
Tumawag sa (408) 279-7900 o mag-email sa customer.service@v-lanterna.com kung may katanugnan.